Powered by Blogger.
RSS

Ngayon at Kailanman Lyrics - Basil Valdez


Ngayon at Kailanman Lyrics - Basil Valdez

Ngayon at kailanman sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman, hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman, sa hirap o ginhawa man
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina, maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo ng maitadhanang
Ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapaglingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay

Sa bawa't araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawa't kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawa't bukas

Malilimot ka lang, kapag ang araw at bituin
Ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di na gumalaw
Subali't isang araw pa matapos ang mundo'y nagunaw na
Hanggang doon magwawakas
Pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawa't araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawa't kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawa't bukas

Labis kitang mahal
Langit makasama ka
Ngayon at kailanman


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment